Saturday, June 20, 2009

Ibat-ibang kahulugan ng panitikan ayon sa ibay-ibang awtoridad

1.Honorio Azarias- nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig sa pamumuhay sa lipunan at sa pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha.

2.Webster- anumang bagay raw na naisasatik basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao maging ito'y totoo, kathang isip o bungang tulog lamang ay maaring tawaging panitikan.

3.Maria Ramos- kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.Nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag.
- lumilinang ng nasyonalismo
- nag-iingat ng karanasan , tradisyon
- at kagandahan ng kultura

4. Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal na "Panitikang Pilipino"- ang tunay na panitikan ay walang kamatayan nagpapahayag ng damdamin ng tao blang ganti niya sa kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.

8 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. San po yung taon ng pagkakabigay ng mga kahulugan ng mga awtor. Kailangan po namin para sa tesis salamat na marami.

    ReplyDelete
  3. San po yung taon ng pagkakabigay ng mga kahulugan ng mga awtor. Kailangan po namin para sa tesis salamat na marami.

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Salamat sa pag bigay inpormasyon

    ReplyDelete
  6. Salamat sa pag bigay inpormasyon

    ReplyDelete
  7. pwede nyo ho bang ilagay yung citation para po mas madali para sa mga lumilikha ng thesis paper please?

    ReplyDelete