“The Flower Carrier,” painting ni Diego Rivera.(Mula sa moderato.wordpress.com.)
Sa introduksiyon naman niya, sinuri ni Tolentino ang dagli sa konteksto ng kasaysayan – noon at ngayon – ng ekonomiyang pampulitika, kultura at panitikan ng bansa. Ipinakita niya kung paanong may halaga sa ating mga mambabasa sa kasalukuyan ang mga dagli at ang mga daloy na pang-ekonomiya, pampulitika, pangkultura at pampanitikan na lumalagos – pumapaloob at humihigit – dito. Maraming matatalas na punto rito, tampok ang malinaw na paglulugar at pag-ugat sa kaayusang kolonyal ng pagkapawi sa dagli. Malinaw din niyang nilagom ang pangkalahatang katangian ng pormang ito ng pagsulat.
Sabi ni Tolentino, walang pagpapanggap ang dagli na unibersal ito. “Ang halaga nito ay sa araw ng kanyang paglabas at ang lipunan ng madlang tumatangkilik nito. Kaya walang dagli sa kanon ng panitikang Filipino… gayong ito ang naging teknolohiya ng integrasyon ng print-oral na repersepsyon sa mundo sa panahon ng matinding agam-agam.” Kailangang ihabol, gayunman, na idinidiin nito ang partikular na katangian ng “kanon” ngayon. Sabi nga ni Fredric Jameson, kaya nilang angkinin o i-coopt – nila: ng imperyalismo, naghaharing mga uri, Estado – ang lahat, maliban sa kanilang pagkatalo.
Hindi ang pagtatanghal ng mga dula ni Bertolt Brecht sa harap ng burgesya, halimbawa, ani Jameson, kundi sa harap ng mulat at militanteng mga manggagawa. Tambalan ng dalawang wikang hindi pang-araw-araw ang laman ng libro: ang malalim na Tagalog ng mga sumulat ng dagli, at ang apropriasyon ng wikang Ingles at akademiko sa layuning progresibo nina Tolentino at Atienza. Hindi sila masisi: Tutal, libro – anyong hindi umaabot sa nakakarami – ang inilathala nila. Pero madali pa ring angkining ambag sa pagkilos ng sambayanan para sa kalayaang pambansa at panlipunan ang libro nila.
Nasa mambabasa na ang tungkulin, na mag-ambag sa pagbago sa lipunang pumaslang sa popular na dagli at kumukupot sa pagbuhay nito ngayon sa makitid na sirkulo ng panggitnang uri.
Saturday, June 20, 2009
PANITIKAN
Si Rizal: Nobelista (Pagbasa ng Noli at Fili bilang Nobela)Virgilio S. AlmarioUniversity of the Philippines Press, c2008-08-04280 pages
Napapanahong kritisismo at interpretasyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal na magsisilbing gabay sa mga guro at mag-aaral ng panitikan mula sa panulat ni Virgilio S. Almario.
Napapanahong kritisismo at interpretasyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal na magsisilbing gabay sa mga guro at mag-aaral ng panitikan mula sa panulat ni Virgilio S. Almario.
Bakit dapat pag-aralan ang panitikan?
1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang ating pinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.
2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at marangal na tradisyonng siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa.
3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito'y matuwid at maayos.
4. Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito'y malinang at mapaunlad.
5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang pamamalasakit sa ating sariling panitikan.

Ibat-ibang kahulugan ng panitikan ayon sa ibay-ibang awtoridad
1.Honorio Azarias- nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig sa pamumuhay sa lipunan at sa pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha.
2.Webster- anumang bagay raw na naisasatik basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao maging ito'y totoo, kathang isip o bungang tulog lamang ay maaring tawaging panitikan.
3.Maria Ramos- kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.Nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag.
- lumilinang ng nasyonalismo
- nag-iingat ng karanasan , tradisyon
- at kagandahan ng kultura
4. Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal na "Panitikang Pilipino"- ang tunay na panitikan ay walang kamatayan nagpapahayag ng damdamin ng tao blang ganti niya sa kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.

Mga akdang pampanitikan na nagdala ng malaking impluwensya sa daigdig
- Ang Banal na Kasulatan
- Ang Koran
- Ang Iliad at Odyssey ni Homer
- Ang Divina Commedia ni Dante ng Italya
- Ang El Cid Campeador ng Espanya
- Ang Awit ni Rolando na kinapapaboran ng Ronces Valles at Doce Pares ng Pransia
- Ang Aklat ng mga Araw ni Confucio
- Ang Aklat ng mga Patay na mga Ehipto
- Ang Sanlibot isang Gabi ng Arabia at Persia
- Ang Canterbury Tales ni Chaucer ng Inglatera
- Ang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe
Monday, June 15, 2009
2 anyo ng panitikan
1. Tuluyan
- ay maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng salita.
2. Patula
- ay pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang sa pantig at pagtugma-tugma sa dulo.
- ay maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng salita.
2. Patula
- ay pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang sa pantig at pagtugma-tugma sa dulo.
Mga bahagi ng panitikang filipino
- Katutubong panitikan
- Panitikan sa ilalim ng krus at espada
- Panitikan sa pagkagising ng damdaming makabayan
- Panitikan ng paghihimagsik at at patuloy na pakikipaglaban
- Panitikan sa ilalim ng amerika at malasariling pamahalaan
- Panitikan sa panahon ng mabilis na pagbabago
Subscribe to:
Posts (Atom)